-- Advertisements --
Trump Oval

Napagdesisyunan ng Commission on Presidential Debates na kanilang ilalagay sa mute ang mikropono ni US President Donald Trump at Democratic nominee Joe Biden sa gagawing second at final presidential debate.

Napagpasyahan ito ng komisyon nang tinalakay nila ang mga potensyal na pagbabago sa panuntunan sa magiging format ng debate.

Kailangan nila nilang itong gawin dahil sa kanilang naunang obserbasyon sa unang debate ng dalawa na naging magulo.

Madalas na kasi na ginagambala ng Republican President ang dating bise presidente habang nagsasalita ito.

Nabatid naman ng komisyon na ikinagalit ito ni Trump at ng kaniyang campaign team lalo pa’t nagbanta ang mga ito na hindi nila tatanggapin ang anumang mga pagbabago sa gagawing debate. (with reports from Bombo Jane Buna)