Umabot na sa halos $100,000 ang presyo sa auction ng microphone na ibinato ng US rapper na si Cardi B sa kaniyang concert sa Las Vegas.
Ang nasabing microphone ay naibato ng rapper sa babaeng unang nagtapon sa kaniya ng isang basong likido habang ito ay nasa stage.
Ayon sa eBay bidding war na ang Shure Axient digital mic ay nagkakahalaga ngayon ng $99,900.
Nagsimula ang presyo nito sa bidding ng $500 kung saan mayroong mahigit 120 bidders ang sumali sa loob ng isang linggo.
Nagsampa ng kaso ang babaeng binato ng microphone subalit hindi ito pinanigan ng korte dahil sa nakitang ebidensiya sa video ng kaniyang pagtapon ng tubig sa rapper.
Ang nasabing microphone ay nai-auction ng production company na The Wave ang may-ari nito.
Mapupunta aniya ang kita ng nasabing auction sa dalawang charities na The Wounded Warrior Project at local Vegas charity na Friendship Circle Las Vegas.