-- Advertisements --

Nilinaw ng World Health Organization (WHO) na nasa ilalim pa rin ng pagsusuri ang microplastics sa inuming tubig kahit pa nabatid na hindi ito mapanganib sa kalusugan ng tao.

Ayon sa WHO coordinator of Water and Sanitation na si Bruce Gordon, limitado pa ang presensya ng microplastics o maliliit na particle ng plastic sa tap at bottled drinking water kaya mahirap pang pagkatiwalaan ang resulta ng naunang pag-aaral.

Lumabas kasi sa unang ulat ng ahensya na mababa pa ang posibilidad na maging mapanganib sa tao ang microplastics sa inuming tubig.

“The headline messages to reassure drinking water consumers around the world, that based on this assessment, our assessment of the risk is that it’s low,” ani Gordon.

Hinimok ng WHO ang mga mananaliksik na magsagawa ng karagdagang pag-aaral sa mga ito para matukoy ang epekto sa tao.

Nanawagan din ang grupo para sa crackdown ng mga plastic nang mabawasan na ang exposure ng tao sa microplastics.

“We urgently need to know more about the health impact of microplastics because they are everywhere — including in our drinking water,” ani WHO Public Health Department director Maria Neira.

“We also need to stop the rise in plastic pollution worldwide.”