Wala umanong pinirmahang prenuptial agreement ang mag-asawang sina Bill at Melinda Gates para hatiin ang kanilang kayamanan.
Kinabibilangan ito ng mga ari-arian sa limang estado, private jet, art collection at mga mamahaling sasakyan.
Batay sa divorce papers na inihain ni Melinda sa Washington, nakasaad dito na hindi humihingi ng spousal support si Melinda kay Bill at humiling ng pagdinig sa Abril 2022.
Subalit ayon sa ilang impormasyon ay posibleng hindi na dumaan pa sa pagdinig ang divorce ng dalawa kaugnay ng separating contract ng mga ito, kabilang na rito ang finances para sa kanilang mga anak.
Ang dating mag-asawa ay nagmamay-ari ng private jet at ilang ari-arian kasama na ang kanilang tahanan sa Washington at mga bahay sa California, Florida, Wyoming at Massachussetts.
Tinatayang aabot ng 6100 square metre ang kanilang mansyon na binili sa halagang $2.78 million (P133 million). Sa ngayon ay nagkakahalaga ito ng $174 million (P8 billion). Mayroon itong pitong kwarto, 18 bathrooms, art-deco cinema, dining room na kayang mag-accomodate ng 24 katao, indoor-outdoor pool na mayroong underwater music system, artificial stream na mayroong salmon at trout.
Mayroon din itong trampoline room, reception hall na kayang mag-accomodate ng 150-200 katao para sa cocktail party, at library na may secret passage patungo sa isang nakatagong bar.