Nagpadala ng Mid-range Capability missile system ang United States Army sa Pilipinas Para sa gaganaping na Salaknib Exercises 2024 ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagamitin sa bansa ang naturang missile system para sa isang joint military exercises sa pagitan ng dalawang bansa.
Inaasahang magbibigay ito ng abilidad sa United States forces na maglunsad ng Standard Missile 6 at Tomahawk Land Attack Missile sa Luzon Strait.
Ang Standard Missile 6 System ay kayang umabot ng hanggang 300 nautical miles o mahigit 500 kilometers, layon lagpas pa sa 370km distance sa pagitan ng pinakahilagang bahagi ng Pilipinas at Timog na bahagi ng Taiwan.
Samantala, sa kabilang banda naman ay nilinaw ni Balikatan Exercises 2024 Executive Agent col. Mike Logico na ito ang naturang missile system ay hindi gagamitin sa Balikatan Exercises 2024.
Bagkus ay pinag-aaralan aniya nila ngayon ang feasibility na dalhin ang weapon system na ito sa himpapawid kung saan ito ilulunsad sa isang secure at established na lugar.