CENTRAL Mindanao – Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Midsayap sa probinsya ng Cotabato.
Dulot ito nang patuloy na paglobo ng bilang ng mga nasawi at nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa bansa.
Mismong mga miyembro ng sangguniang bayan sa Midsayap sa pangunguna ni Vice-Mayor Manuel Rabara ang nanguna sa deklarasyon ng state of calamity para agad magamit ang calamity fund sa mga biktima ng COVID at pambili ng mga face mask, alcohol at ibang kemikals na panlaban sa nakakamatay na sakit.
Ang state of calamity sa bayan ng Midsayap ay pinaboran naman ni Mayor Romeo ”Roming” Araña.
Alinsunod sa unang Executive Order # 21 ni Mayor Araña nagkasundo ang mga alkalde sa Palma area na magpapatupad ng bagong curfew hours mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga na nag-umpisa na kagabi Marso 17, 2020.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang profiling at thermal scanning sa mga pumapasok sa bayan ng Midsayap.