Nangunguna pa rin ang bayan ng Midsayap, Cotabato sa may pinakamaraming aktibong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa probinsya.
Sa huling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit – Cotabato, nasa 227 pa ang COVID-19 active cases sa nabanggit na bayan.
Ito’y bahagyang mababa sa 234 active cases nitong Lunes dahil sa mas mataas na bilang ng mga gumaling kumpara sa mga bagong naitalang kaso kahapon.
Nasa 24 kasi na COVID patients sa bayan ang tuluyan nang nakauwi at gumaling habang mayroon namang 17 bagong kaso na naitala.
Parehong nanguna ang Midsayap sa may pinakamaraming new recoveries and infections sa lalawigan kahapon, ayon sa Department of Health o DOH XII.
Over-all, may 992 na mga Midsayapeño ang nahawaan ng COVID-19 mula noong nakaraang taon, may 740 naman na mga gumaling at 25 ang mga namatay.