-- Advertisements --
Inurong na ang kasong reckless imprudence na isinampa ng dalawang MMDA officers laban sa aktor na si Migo Adecer.
Ito ay matapos maglabas ng public apology ang aktor kaugnay ng pagkaka-sangkot nito sa isang hit-and-run incident sa Brgy. Poblacion, Makati.
Sa pamamagitan ng kanyang abogado ay humingi ng dispensa ang 19-anyos na aktor sa dalawang MMDA officers na nabangga nito.
Nagpapasalamat naman ang aktor dahil pinatawad umano siya ng dalawang biktima.