-- Advertisements --
Naghahanda na ang migrant support groups sa pagpapatupad ng isa sa mga pangako ni President-elect Donald Trump na mass deportation.
Sinabi ni Immigration attorney Camille Mackler, na kasama niya ang 80 legal service providers sa estado ng New York ang nakahanda para ipagtanggol ang mga karapatan ng mga immigrants na hindi naging prioridad na tanggalin ng US Immigration and Customs Enforcement.
Inaasahan din nito na magkakaroon ng mas malaking mga drag net operations para mapauwi ang mga iligal na migrants.
Nakahanda na rin ang ilang mga bahay sambahan sa New York City para doon kupkupin ang ilang mga immigrants.