-- Advertisements --

Pumanaw na si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople.

Ayon sa DMW na dakong ala-1 ng hapon nitong Agosto 22 ng namayapa ang kalihim na nakapalibot ang kaniyang mahal sa buhay.

Hindi naman na binanggit pa ng DMW ang sanhi ng kamatayan ng kalihim subalit inamin nito noon na siya ay nakikipaglaban sa breast cancer.

Bago ang kaniyang kamatayan ay naghain ito ng dalawang linggong wellness leave kung saan noong nakaraang buwan din ay pumanaw ang dalawang kapatid nito na opisyal ng Bulacan.

Si Ople ang siyang napili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na maitalaga sa bagong tatag nitong DMW noong nakaraang taon.

Ang kalihim ay anak ng dating Senate President Blas Ople na nanungkulan sa termino noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.