-- Advertisements --

Sinimulan ng ipa-deport ang mga nakadetineng migrants mula Amerika sakay ng US military C-17 aircraft alinsunod sa utos ni US President Donald Trump nitong Biyernes, oras sa Amerika.

Dinala ang tig-80 migrants na lulan ng 2 US military aircraft patungong Guatemala ayon sa isang US official.

Inihayag naman ng US State Department na committed ang Guatemala at US na mawaksan na ang illegal migration at pagpapalakas pa ng border security.

Sa mga nakalipas na pagkakataon, ginamit din ang naturang US military aircraft sa pag-relocate sa mga indibidwal mula sa isang bansa patungo sa ibang mga bansa tulad noong mag-withdraw ang US mula sa Afghanistan noong 2021.

Ito naman ang unang pagkakataon na ginamit ang US military aircraft sa pagdadala ng migrants palabas ng US.

Matatandaan na sa unang araw pa lang ng pag-upo ni Trump sa pwesto, idineklara nito ang illegal immigration bilang national emergency at inatasan ang US military na dagdagan ang border security, pag-isyu ng malawakang ban o pagbabawal sa pagbibigay ng asylum at restriksiyon sa citizenship ng mga batang isinilang sa Amerika.