-- Advertisements --

Pinagtanggol ng anak ng dating boyfriend ni Kris Aquino na si Miguel Lorenzo Padlan ang ama nito na si Dr. Mike Padlan laban sa mga rumors at maling impormasyon na kumakalat online.

Sa social media ni Miguel ibinahagi nito kung paano sila naapektuhan ng hate patungkol sa ibinabato sa kanilang ama.

Matatandaan nitong nakaraang linggo ibinahagi ni Kris sa publiko ang tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Dr. Padlan, at sinabi na hindi na siya mahal nito.

Hiniling ni Miguel sa mga netizens na tigilan ang pagpapakalat ng mga kasinungalingan dahil ito ay hindi makatarungan sa kanilang pamilya.

Ipinaliwanag niya na hindi totoo na hindi minahal ng kanyang ama si Kris, at siya mismo ay naging saksi kung gaano kaalaga ang ibinigay ng kanyang ama sa queen of all media.

‘The truth is simple yes, my father and Mama Kris separated because the spark between them was gone. However, that does not mean my father never loved her. He truly did. Their relationship was real, and he cared deeply for her,’ pahayag ni Miguel sa kaniyang post.

Binigyang-diin pa ni Miguel na ang pagmamahal ay hindi naging sapat upang mapanatili ang isang relasyon.

‘Love alone is not always enough to make a relationship last forever. Sometimes, two people are simply not meant to be together in the long run, no matter how much they once loved each other,’ dagdag nito.

Binigyang-pansin din ni Miguel ang mga pagsubok na hinarap ng kanilang pamilya noong panahon ng ka-relasyon ng kanyang ama si Kris.

Ibinahagi niya kung paano madalas umalis sa bansa ang kaniyang ama na si Dr. Padlan patungong Amerika upang bisitahin si Kris, kahit pa minsan ay masama ang pakiramdam.

Inilahad din ni Miguel na binigay ng kanyang ama ang halos lahat ng oras at lakas para kay Kris, minsan na nga ay nauubos aniya ang kanyang pera at nawawalan ng pasyente sa kanyang clinic para lang makasama si Kris.

‘He gave so much of his time and energy to her, even at the cost of his own well-being. There were times when he had little to no money left and was losing patients at his clinic, yet he still chose to be with her,’ kwento ni Miguel.

Sinabi rin ni Miguel na hindi totoo ang mga kumakalat na balita na humingi ng pera o regalo ang kanyang ama kay Kris.

Screenshot from Miguel Lorenzo Padlan /FB

Sa pagtatapos ng kanyang post, ipinaabot ni Miguel na sila ng kanyang mga kapatid ay may respeto at pagmamahal pa rin kay Kris, at nauunawaan nila ang sitwasyon ng kanilang ama.

‘We love you, Mama Kris, and we love our father as well. Family is family. That is why I am here-to support my father and stand by my family,’ ani Miguel.

Screenshot from Miguel Lorenzo Padlan /FB