-- Advertisements --

Inanunsiyo ni retired boxing champion Mike Tyson na makakaharap niya si Roy Jones Jr.

Maghaharap umano ang dalawa sa eight-round exhibition fight.

Gaganapin umano ang laban ng dalawa sa Setyembre 12 sa California at ito ay sanctions ng California State Athletic Commission.

Mapapanood lamang ang nasabing laban sa pamamagitan ng Pay-per-vier sa mga social media platform.

Magtatanghal din sa nasabing laban ang mga singer na sina Pitbull, Lil Wayne, Snoop at maraming iba pa.

Magugunitang makailang beses na nagpakitang gilas sa social media ang 54-anyos na si Tyson.

Mayroong record ito na 50 panalo at anim na talo habang ang 51-anyos na si Jones ay mayroong record na 66 panalo at siyam na talo.