Nakahanda na si Mike Tyson na harapin ang bagitong boksingero na si Jake Pail sa Nobiembre-15, 2024.
Ito ang unang laban ni Tyson matapos ang 19 years na pagreretiro sa boksing.
Sa kasalukuyan ay 58 years old na ang legendary boxer ngunit ayon sa kaniya, handa na siyang harapin ang 27 anyos na influencer/boxer.
Ilan sa mga mapapansin sa training ni Tyson ay ang mga dati nang tumulong sa kaniya noong bago pa man siya magretiro sa professional boxing, halos 20 years na ang nakakalipas.
Batay sa mga statement na inilabas ng kampo ni Tyson, mistulang bumalik ang liksi at lakas ng boksingero noong siya ay 25 anyos pa lamang. Maliban sa conditioning, sumailalim rin si Tyson sa ilang serye ng fight simulations.
Si Tyson ay sumalang sa 58 na laban sa kanyang buong karera kung saan 50 rito ay nagawa niyang maipanalo.
Sa 44 fight na kaniyang hinarap, pawang knockout ang naging desisyon.
Sa kaniyang karera, nakilala siya sa tawag na Iron Mike dahil na rin sa mala-bakal na katawan.