-- Advertisements --
Nagbabala ang actress na si Mikee Quintos na na-hacked ang kaniyang email account.
Sa social media post ng actress na dahil sa insidente ay nawalan na ito ng kontrol sa kaniyang Facebook account at IG maging ang kaniyang YouTube at Instagram.
Pinalitan ng hacker ang kaniyang channel na Tesla PH at maging ang mga email recovery options ay napalitan na.
Nanawagan ito sa mga fans na huwag na lamang magreply sakaling makatanggap ang mga ito ng email mula sa kaniya.
Magugunitang noong Nobyembre ng ilunsad niya ang kaniyang Channel na “Sincerely M” kung saan nakapost ang mga vlogs niya kasama ang pamilya at mga kaibigan.