-- Advertisements --

Nais ni four-division world champion Mikey Garcia na makaharap si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Ayon sa promoter nito na si Eddie Hearn na wala ng ibang nais na makaharap si Garcia kung hindi ang fighting senator.

Maghahanap aniya sila ng lugar para masunod ang ipapatupad na health protocols dahil sa coronavirus pandemic.

Huling lumaban si Garcia ay noog talunin niya sa pamamagitan ng unanimous decision si Jessie Vargas noong Pebrero habang si Pacquiao ay noon pang Hulyo 2019 ng talunin si Keith Thurman para sa WBA Super World welterweight championships.

Mayroong record si Garcia na 40 panalo at isang talo habang si Pacquiao ay mayroong 67 panalo, pitong talo at dalawang draw.