-- Advertisements --
Target ni four-division champion Mikey Garcia na makaharap si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.
Sinabi nito, na mas lamang ito at tiwala siyang kaya niyang talunin ang eight-division world champion.
Noong Marso 2019 ng umakyat siya sa 147 pounds ay natalo ito kay IBF world welterweight champion Errol Spence Jr.
Bumawi siya pagkatalo noon at nagwagi ito laban kay Jessie Vargas noong February.
Ipinagmalaki pa ng 32-anyos na American boxer na mas malayong magaling si Spence kay Pacquiao kaya tiiyak na mabibigyan siya nito ng magandang laban.