-- Advertisements --

Naniniwala si four-division champion Mikey Garcia na uunahin siya munang kalabanin ni Manny Pacquiao bago kay UFC star Conor McGregor.

Isa kasi ang American boxer na tinukoy ni coach Freddie Roach na potensiyal na makakalaban ng fighting senator.

Ayon kay Garcia na 100 porsiyento itong naniniwala na makakaharap siya ni Pacquiao bago ang bakbakan nila ni McGregor.

Magugunitang lumabas ang balitang pagharap ni Pacquiao kay McGregor kung saan inaayos na umano ng magkabilang kampo ang kontrata ng laban.