-- Advertisements --

Pumirma ng dalawang taon na kontrata sa TnT Tropang Giga si rookie Mikey Williams.

Kinumipirma ito ng TnT team manager na si Gabby Cui ang pagkuha nila sa 6-foot-2 na manlalaro.

Dagdag pa nito na sa pagpirma ni Williams ay natapos na ang matagal na usapin tungkol kina Williams at sa TnT.

Makakatanggap ang 28-anyos na si Williams ng P5.4 milyon sa dalawang taon kabilang ang P250,000 na sahod sa kanilang ikalawang season.

Makakatanggap ang Fil-Am guard ng P200,000 sa unang taon nito sa koponan.

Inaayos na ng TnT ang mga dokumento ng dating Sioux Falls at Canton Charge sa NBA G League para ito ay tuluyang makabalik na sa bansa.