-- Advertisements --
Walang aasahang agad na milagro sa ginagawang pagpupulong ng mga foreign ministers ng Russia at Ukraine na ginanap sa Turkey.
Ayon kay Turkish foreign minister Mevlut Cavusoglu na ang nasabing pag-uusap ay isang mahalagang pagsisimula.
Ang nasabing pag-uusap aniya ay siyang unang high-level contact ng dalawang bansa mula ng atakehin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero 24.
Dagdag pa nito kahit nagkaroon ng kaguluhan ay nananatiling bukas pa rin ang humanitarian corridors.
Nauna rito pinapanitili ng Turkey ang pagiging neutral sa sigalot ng dalawang bansa.