-- Advertisements --

ROXAS CITY – Walang malaking epekto sa mga magsasaka sa lalawigan ng Capiz ang mild El Niño phenomenon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Provincial Rice coordinator Amefil Sagge, sinabi nito na nakatulong kahit paano ang nasabing phenomenon sa pananim ng mga magsasaka.

Ito matapos na may mga palay na nasa ripening stage na at hindi kailangan ang maraming tubig.

Pabor rin sa ilang magsasaka ang hindi pag-ulan, para hindi magiging sagabal sa kanila sa oras ng anihan.

Samantala pinasiguro naman ni Sagge na may matatanggap na seeds ang mga magsasaka mula sa gobyerno probinsiyal na maaapektuhan ng dry spell o El Niño phenomenon.