-- Advertisements --
Binasag na ng actress na si Miles Ocampo ang kaniyang katahimikan sa hiwalayan nila ng dating nobyong si Elijah Canlas.
Sinabi nito na nagkaroon ng hamon ang kanilang relasyon na hindi na nila nakayanan kaya nagpasya na silang maghiwalay.
Hindi na nito idinetalye kung ano ang nasabing tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.
Masaya na lamang ito dahil sa kapwa nilang iniwan sa 2023 ang lahat ng nasabing isyu.
Tumagal ng mahigit dalawang taon ang relasyon ng dalawa at noong nakaraang taon ay inaimin ng dalawa na hiwalay na sila.