Pasasalamat lamang para sa pagiging “loyal ate” ang dahilan ng pagbigay ni Bimby Aquino-Yap ng bulaklak at love letter sa aktres na si Miles Ocampo nitong Valentine’s Day.
Ito’y matapos akalain ng ilan na nililigawan umano ng 13-anyos na bunsong anak ni Kris Aquino ang dating child star na ngayon ay 23-years-old na.
Sa naturang liham, ipinaabot ni Bimby ang kanyang wish na sana ay makatanggap na rin ng sulat ang kanyang ate Miles mula sa boyfriend nito.
Sumagot naman ng “I love you too” si Miles at inilarawan si Bimby bilang sweet.
Mayroon ding kuhang larawan si Miles kasama ang dating presidential sister, gayundin ‘yaong tatlo sila kasama si Bimby.
Kung maaalala, sa mismong Araw ng mga Puso rin ipinagdiwang ng “Queen of All Media” ang kanyang 50th birthday.
Sinasabing malapit si Miles sa pamilya ni Kris mula nang magsama sila sa isang teleserye noon.