-- Advertisements --

Pormal ng inilabas ni Miley Cyrus ang bagong kanta nitong “Midnight Sky”.

Ayon sa singer, na siya mismo ang nag-direct ng video ng nasabing kanta.

Ilan sa mga inspirasyon na pinagkuhanan nito ay ang mga music icons na gaya nina Joan Jett, Stevie Nicks at Debbie Harry.

Tumatalakay ang nasabing kanta rin sa pinagdaanan sa buhay ng singer.

Noong nakaraang taon kasi ay naghiwalay sila ng asawang si Liam Hemsworth matapos ang isang taon na pag-iisang dibdib.

Nakarelasyon din nito si Cody Simpson subalit sila ay naghiwalay rin.

Itinuturing na isang comeback para sa singer ang nasabing kanta kasunod ng isa pa nitong kantan na “Slide Away” na inilabas noong 2019.

Huling naglabas ito ng full-lenght studio album ay noong 2017 na may titulong “Younger Now”.