-- Advertisements --

Nahaharap sa kaso ang singer na si Miley Cyrus dahil umano sa pagkopya ng lyrics ni Bruno Mars.

Sa reklamo ng Tempo Music Investment sa Los Angeles federal court na ginaya ni Cyrus sa kanta nito na “Flowers” na may kahalintulad sa lyrics na “I Can Buy You Flowers” sa kanta ni Bruno Mars na “When I Was Your Man”.

Hindi direktang bahagi si Mars sa nagrereklamo subalit iginiit ng music label na kanilang bahagi ang US copyrights sa “When I Was Your Man” mula kay Philip Lawrence ang kasamang sumulat ng kanta ni Mars.

Giit pa ng music label na ang kanta ni Cyrus ay mayroong pagkakapareho talaga sa kanta ni Mars.

Hindi na binanggit pa ng music company kung magkano ang hinihingi nilang pera bilang damyos at hiniling sa huwis na dapat ay hindi na patugtugin pa ang kantang “flowers” ni Cyrus.