-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagkasagupa ang dalawang armadong grupo sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Maguindanao PNP na nagka-engkwentro ang grupo ng 105th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at isang barangay kapitan na suportado ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Bungos faction) sa Barangay Masigay at Barangay Kalipapa, Datu Piang, Maguindanao.

Dahil sa tindi ng sagupaan ay lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar.

Tatlo na umano ang nasawi at anim ang nasugatan sa bakbakan ng magkabilang panig.

Ilang ulit na raw na nagkasagupa ang mga nabanggit na grupo dahil sa mga dati ng hidwaan na muling nauungkat.

Nakaantabay lamang ang militar at pulisya kung saan nasa wait and see position pa muna.