-- Advertisements --

Sa kauna-unahang pagkakataon nakapasok din sa loob ng military headquarters sa kampo Aguinaldo si MILF Chairman Al Haj Murad.

Alas-10:30 kaninang umaga nang dumating si Murad kasama ang kaniyang party na binigyan pa ng military honor.

Mismong si AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez ang nag-welcome sa partido ni Murad.

Bago si Murad una nang bumisita sa Camp Aguinaldo ang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Committee na pinangunahan ni Mohagher Iqbal at Ghadzali Jaafar.

Maituturing na makasaysayan ang pagbisita ni Murad sa AFP headquarters.

Kung tutuusin kasi noong panahon na aktibo pa sa kanilang pakikipaglaban ang MILF, kabilang sa tumutugis sa kanila at nakipagbakbakan ay matataas na ring opisyal ng Armed Forces of the Philippines.

Samantala, kabilang sa napag-usapan ang iba’t ibang areas of collaboration ng AFP at MILF, usapin sa combat, intelligence at civil-military operations.

Sinabi ni AFP spokesman B/Gen. Edgard Arevalo, na ipinapakita lamang ang mataas na antas ng pagtitiwala at sinseridad sa pagitan ng MILF at militar.

Ayon naman kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Noel Detoyato na ang kauna unahang pagbisita ni Murad sa general headquarters ay ang unang courtesy call ng isang MILF chairman kay AFP chief.

Dagdag pa ni Detoyato, lalong gumanda ang relasyon ng MILF at AFP lalo na si Gen. Galvez ay dating pinuno ng AFP CCCH na tiniyak sa MILF ang kaniyang suporta sa Bangsamoro Organic Law.

“This reciprocal visit of Al Haj Murad is to cement the trust that they have on the AFP leadership and the gov’t in general,” wika pa ni Detoyato.Â