-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Inaalam pa ngayon ng mga otoridad ang motibo sa pagbaril-patay sa dalawang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bahagi ng Prk. 6, Brgy. Poblacion, Tacurong City.

Ayon kay Lt. Col. Rey Egos, hepe ng Tacurong PNP, kinilala ang mga biktima na sina Sangutin Musil alyas Jerry Amino, 53, isang MILF commander, at isang Alex Amino Toto, 30, may asawa at kapwa residente ng Prk. Musil Brgy. Pimbalayan, Lambayong, Sultan Kudarat.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Tacurong PNP na nagpapagasolina lamang umano ang mga biktima sa isang gasoline station nang biglang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ang mga ito.

Dead on the spot ang mga biktima makaraang magkaroon ng iba’t ibang tama ng bala sa kanilang mga katawan.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP kaugnay sa naturang insidente.