CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang drug suspect nang umano’y manlaban sa inilunsad na anti-drug operation sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si Mohidin Mahmod na miyembro umano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nahuli naman ang kanyang mga kasama na sina Sidik Zailon at Nasrudin Tugan.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) Regional Director Juvinal Azurin na nagsagawa sila ng drug buy bust operation katuwang ang PDEA-12, Cotabato PNP, 34th Infantry Battalion Philippine Army, Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU-12) at Midsayap Municipal Police Station (MPS) sa national highway sa Barangay Bual Sur, Midsayap, Cotabato.
Nanlaban umano si Mahmod nang matunugan na mga otoridad ang kanilang ka-transaksyon.
Inanuhan na ng mga PDEA agent ang suspek kung saan nagtamo ito ng tama ng bala sa kanyang ulo, dibdib at leeg.
Naisugod pa si Mahmod sa Dr. Amado Diaz Provincial Foundation Hospital sa bayan ng Midsayap ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .45 na pistola, isang magazine, pitong bala, isang motorsiklo, marked money at 500 grams na shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.
Ngayon ay pinaigting pa ng pulisya, militar at PDEA ang operasyon sa rehiyon-12 at Bangsamoro region kontra iligal na droga.