Nakatakda umanong sanayin ng European Union (EU) ang 41 mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) bilang paghahanda sa transition patungo sa bagong Bangsamoro region.
Sa pahayag ng EU delegation, saklaw ng training ang public policy, governance, at management na pamumunuan ng Center for Peace and Conflict Studies at Bangsamoro Leadership and Management Institute.
Paliwanag ng EU, layunin umano ng training na magpaabot ng suporta upang magkaroon ng maayos na transition sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon naman kay EU Ambassador Franz Jessen, bagama’t kritikal ang naturang transisyon, pagkakataon umano ito upang makalikha ng matatag na pundasyon para sa political, economic at social stability sa Mindanao.
“The EU remains committed to support the need for a better future for Bangsamoro and its people- the aspirations and visions for the future of every well-meaning citizen, not only of Bangsamoro but outside of Bangsamoro,” pahayag ni Jessen.
Samantala, nagpahayag ng suporta si MILF Chairperson at Bangsamoro Transition Authority (BTA) interim chief minister Al-Hajj Murad Ebrahim sa nabanggit na inisyatibo.
“Together we can make peace. Together nothing is impossible when there is peace,†ani Ebrahim.