CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pananambang sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.
Nakilala ang biktima biktima na si Thoks Angkupa, 45-anyos, magsasaka,myembro ng 118th Base Command ng MILF at residente ng Sitio Bagurot Barangay Tuayan Mother, Datu Hoffer Ampatuan Maguindanao Del Sur.
Ayon kay Datu Hoffer Ampatuan Chief of Police Lieutenant Billy Fontanilla na habang binabaybay ng biktima ang kalsada ng Sitio Aliman, Barangay Tuayan Mother sakay ng kanyang motorsiklo ng bigla itong pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Datu Hoffer Ampatuan.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama sa kanyang dibdib habang nakaligtas ang angkas nitong asawa.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Hoffer Ampatuan MPS sa pananambang patay sa biktima.