-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pinaigting pa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF-Task Force Itihad) ang pagtugis sa mga terorista sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay MILF-BIAF National Guard Commander George Kasim na patuloy nilang sinusuyod ang Liguasan Delta at SPMS Box sa Maguindanao.

Sentro ng kanilang operasyon ang grupo ni Shiekh Esmail Abulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS inspired group).

Kinumpirma rin ni Kasim na nagdagdag sila ng puwersa sa Maguindanao at tumutulong rin ang ilang mga local field commanders ng MILF.

Umaabot umano sa mahigit 300 na BIFF ang tinutugis ngayon ng MILF Task Force Itihad sa Maguindanao.

Matatandaan na ilang kampo na ng BIFF ang nakubkob ng MILF, mga armas na narekober at napatay na mga terorista.

Nagbuhis rin ng buhay ang ilang miyembro ng MILF sa pagtugis sa BIFF.

Ang MILF, militar at pulisya ay magkatuwang na ngayon sa pagtugis sa mga rebelde, terorista at ilang grupo na banta sa seguridad ng taong bayan.