-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Binawian ng buhay ang isang senior leader ng Moro Islamic Liberation Front o MILF matapos ang nangyaring ambush sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Kagui Mansor Imbong, isang ranking official ng 108th Base Command ng MILF.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sakay umano ang biktima sa kanyang motorsiklo ng tambangan ito ng mga suspek sa Brgy Elian ng nasabing bayan.

Dead on the spot ang biktima matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni North Cotabato Gov. Nancy Catamco, chairperson of the provincial peace and order council sa Police Regional Office-12 na gawin ang lahat upang matukoy ang mga suspek.

Nakipag-ugnayan na rin ng Matalam PNP sa mga Brgy Officials upang malaman ang identity ng mga gunmen.

Sa ngayon nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP sa nasabing insidente at kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima.