-- Advertisements --

Positibo pa rin ang liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na maratipikahan ng Kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa panayam ng Bombo Radyo sa chairman ng Bangsamoro Transition Commission at head ng MILF peace negotiating panel Mohagher Iqbal, kaniyang sinabi na batay sa impormasyon na ibinigay sa kaniya ira-ratify na ng Kongreso ang Bangsamoro Organic Law (BOL) bago pa man magsalita si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang State of the Nation Address (SONA).

Sinabi ni Iqbal na sila ay umaasa na maratipika ito.

Inaasahang dadalo rin ang liderato ng MILF lalo na ang lider na si Murad Ebrahim sa SONA ng Pangulo sa House of Representatives.

“Kaninang umaga nag suspend sila ang information sa akin ira-ratify ngayon before message, speech ng Pangulo,” wika ni Iqbal.