ENTRAL MINDANAO- Nagpalabas ngayon ng kautusan ang Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) sa lahat ng lahat ng mga Field Commanders ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tumulong sa pagkontra sa pandemic na Coronavirus Disease COVID19).
Sa inilabas na Memorandum no. 014-2020 ng MILF ay nakasaad ang kautusan sa lahat Base Commanders ay dapat tumulong sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko patungkol sa COVID19.
Mahigpit na ipatupad ang households quarantine at ang galaw ng mga residente sa komunidad ng MILF ay limitado lang sa pagbibili ng pagkain, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan.
Dapat ay mamimigay rin ng libreng tulong ang mga Base Commanders ng MILF sa mga residente upang maiwasan na ang paglabas ng bahay.
T utulong rin ang MILF sa pamahalaan at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na mahanap at mabantayan ang lagay ng kalusugan ng 215 tabligh na dumalo sa Ijtima Congregation sa Kuala, Lampur sa Malaysia.
Kinumpirma rin ng National Commission on Muslim Filipinos na 19 sa 215 ay may sintomas at ang iba ay nagpositibo sa nakakahawang COVID19.