-- Advertisements --

Nakontrol ng Syrian rebels ang pangunahing lungsod ng Hama matapos ang pag-atras ng mga sundalo.

Idineklara ni Abu Mohammed al-Jawlani ang lider ng Islamist militant group Hayat Tahrir al-Sham (HTS) ang “Victory” at tiniyak na wala ng magaganap na pagganti pa ng mga militar.

Bago nito ay pinakawalan ng mga HTS fighter kasama ang kanilang mga kaalyado ang mga inmates habang nagpakalat ang mga sundalo para ma-protektahan ang buhay ng mga sibilyan.

Ang Hama ay may populasyon ng mahigit 1 milyong katao na ito ay may layong 110 kilometers ng south Aleppo.

Ayon sa United Kingdom-based monitoring group na Syrian Observatory for Human Rights (SOHR), aabot na sa 720 katao kabilang ang 111 sibilyan na ang nasawi mula ng magsimula ang pag-atake ng mga rebelde.

Nasa mahigit kalahating milyong katao na rin ang nasawi sa Syri mula magsimula ang civil war noong 2011 matapos ang pag-aresto ni President Bashar al-Assad ang mga nagsasagawa ng mapayapang pro-democracy protest.