Kinumpirma ng militanteng grupo na pinatay ng Israeli military ang pinuno ng Hezbollah na si Hassan Nasrallah sa airstrike nitong Biyernes sa Beirut, Lebanon.
Tinarget ng Israeli fighter jets noong Biyernes ang headquarters ng militanteng grupo, na matatagpuan sa isang lugar ng southern suburbs
na kilala bilang Dahiyeh, ayon sa Israeli military.
Sinabi ng Israel Defense Forces (IDF) na si Nasrallah ay nag-o-operate mula sa headquarters at nagsusulong ng terrorist activities laban sa mga mamamayan ng Estado ng Israel.
Inilarawan ng Hezbollah si Nasrallah bilang isang “sagradong martir” at nangakong ipagpapatuloy ang pakikipaglaban nito sa Israel.
Sinabi ng grupo na ang kanilang pinuno ay napatay matapos ang isang “taksil na Zionist airstrike sa southern suburbs.”