LAOAG CITY – Aabot sa 30 kasapi ng grupong Akbayan ang nagsagawa ng kilos-protesta sa Honolulu, Hawaii dahil sa pagkontra nila sa pagbibigay ni Presidente Rodrigo Duterte ng absolute pardon kay Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton.
Sa report ni Bombo International Correspondent Manny Pascua sa Hawaii, isinagawa ang kilos protesta habang nasa Hawaii si Pemberton at makukulong ito sa Camp H. M. Smith Marine Corps na nasa ilalim ng Pacific Command.
Nakakulong naman si Pemberton sa Camp H. M. Smith hanggang lumabas ang desisyon kung mananatili ito sa US military o hindi.
Ito’y matapos nahatulan ng kasong pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.
Hinggil dito, may mga alegasyon umanong lumalabas sa Amerika na ibinenta ng gobierno ng Pilipinas sa US si Pemberton para makakuha umano ng mas maraming tulong ang bansa partikular sa militar.