KALIBO, Aklan – Kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ng Lunes magsasagawa rin ng kilos-protesta ang mga militanteng grupo sa lalawigan ng Aklan.
Ayon kay Rise-Up Aklan spokesperson Kim Sin Tugna, layunin umano nito na singilin ang Pangulo sa kaniyang mga pangako sa sambayanan sa loob ng tatlong taon na hindi naipatupad.
Iginiit niya na nagpapatuloy ang kurapsyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng pamamahala umano ng Presidente.
Aniya ang nararanasang gutom umano ng mahihirap na pinalala ng Rice Tarrification Law at ang end of contractualization o Endo kanilang patuloy na ipinaglalaban ng mga manggagawa.
Samantala, maliban sa ipagmamalaking pag-angat ng ekonomiya, mas hinigpitang kampanya sa illegal na droga at ang nagpapatuloy na rehabilitasyon sa isla ng Boracay ay nais rin marinig ng grupo ang panindigan ni Duterte sa isyu ng West Philippine Sea.