-- Advertisements --

Kontrolado na ng mga Syrian rebels ang kapitolyo ng Syria, (Damascus) ngayong linggo, Disyembre 8, ito’y matapos kumpirmahin ng Syrian opposition fighters ang pananakop dito na siya umanong nagbunsod ng pagtakas ni Syrian President Bashar al-Assad sa bansa.

Kaugnay nito sinabi ni Syrian Observatory for Human Rights, Rami Abdel Rahman na unang tumakas ng bansa si Assad patungo sa Damascus international airport bago pa man abandunahin ng mga army security forces nito ang lugar.

Ayon naman sa dalawang Senior Syrian army officers na ang pagalis ni Assad ay hindi nila matukoy.

Tinuturing naman ng grupong Islamist Hayat Tahrir al-Sham (HTS) na malaking tagumpay ito sa kanilang mga pinaglalaban.

‘After 50 years of oppression under Baath rule, and 13 years of crimes and tyranny and (forced) displacement… we announce today the end of this dark period and the start of a new era for Syria,’ pahayag ng grupo.

Bagamat itinanggi ito ng pamahalaan. Sa kabilang banda, sinabi ni Prime Minister Mohammed al-Jalali na handa siyang makipag cooperate kung sino ang bagong iluluklok na lider ng mga kababayan nito.

Dagdag pa rito, may mga ulat na nagpapakita ng lumalalang kawalan ng katiyakan sa rehiyon. Bagamat unang itinanggi ng pamahalaan ni Assad ang pag-urong ng kanilang mga pwersa, may mga senyales na ang Syrian army ay talagang umatras mula sa ilang lugar sa paligid ng Damascus.

Ang Damascus ay may populasyon ng mahigit 2.503 milyong katao na may layong 310 kilometers sa lungsod ng Aleppo.

Ayon kay Rahman ang pagbubukas ng kilalang Sednaya prison, kung saan ikinulong ang libu-libong mga detainee sa ilalim ng pamamahala ni Assad, ay isang senyales ng pagbabago aniya sa rehimen nito.

Matagal nang naging simbolo ng malupit na pang-aabuso ng pamahalaan ang Sednaya, kaya’t ang hakbang na ito ay maaaring nagpahiwatig ng malawakang pagbabago sa lugar.

Dagdag pa rito, ang Hezbollah, na isang pangunahing kaalyadong militar ni Assad, ay iniulat na iniiwan na ang mga strategies areas tulad sa paligid ng lungsod ng Damascus at Homs, na ang ilan sa kanilang mga tropa ay piniling mag pa-redeploy sa iba pang mga rehiyon sa Syria o bumalik na lamang sa Lebanon.

Ang pag-urong ng Hezbollah ay maaaring magpahina pa sa posisyon ni Assad, dahil sa mahalagang suporta ng militar na ibinibigay ng grupo sa pamahalaan ng Syria sa mga nakaraang taon.