-- Advertisements --
image 11

Inihayag ng militanteng Hamas sa mediators na papalayain na nila ang ilang mga dayuhang bihag nila sa mga susunod na araw.

Ito ang kinumpirma ni Abu Ubaida, ang tagapagsalita ng armed wing group ng Hamas na al-Qassam Brigades.

Hindi naman binanggit ng tagapagsalita ng Brigade ang detalye sa bilang ng kanilang mga bihag maging ang kanilang mga nasyonalidad.

Pinaniniwalaan kasi na aabot sa 240 ang bihag ng Hamas sa Gaza sa kasalukuyan, matapos ang sorpresang pag-atake ng militanteng grupo sa mga komunidad sa katimugang Israel noong Oktubre 7 na nagpatindi ng palitan ng pambobomba at ground invasion ng militar ng Israel sa Gaza.

Pinabulaanan naman ni Ubaida na ang bihag na napalaya ng Israel ay nasa kamay ng Hamas. Paliwanag nito na ang ilang bihag ay nasa kamay ng ibang grupo at mga indibidwal sa Gaza Strip.

Ang tinutukoy na pinalayang bihag ay si Ori Megidish na isang sundalo ng Israel military na napalaya sa Gaza strip sa kasagsagan ng kanilang ground operation.