-- Advertisements --

ranger

Narekober ng militar sa Sulu ang ilang mga high-powered firearms, unexploded mortar shells ng teroristang Abu Sayyaf matapos makasagupa ng mga operating elements ng 5th Scout Ranger Battalipn at 13th Speciql Forces Company ang grupo ni ASG leader Mundi Sawadjaan sa Indanan at Patikul sa probinsiya ng Sulu.

Ayon kay Joint Task Force Sulu commander M/Gen. William Gonzales, nakatanggap kasi sila ng intelligence report hinggil sa presensiya ng teroristang grupo kaya agad isinagawa ang operasyon.

Natunton naman ng mga tauhan ng 5th Scout Ranger Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Herbert Dilag ang kinaroroonan ng mga teroristanf Abu Sayyaf sa kabundukan ng Brgy Adjid sa Indanan kahapon.

Dito na umigting ang 20 minutong sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at grupo nina Mundi Sawadjaan at ASG Senior Leader Radulan Sahiron.

Narekober ng mga sundalo ang dalawang M14 rifles, tatlong hammocks, dalawang pares ng combat boots, dalawang backpacks at ilang mga personal na gamit.

May narekober din silang mga dokumento gaya ng kopya ng passports na pag-aari ng dalawang Indonesian nationals.

Inaalam na rin ng militar kung ito ay pag-aaari ng Indonesian kidnap victims.

Sinusuri na rin sa ngayon ang mga narekober na dokumento na “of high intelligence value” na posibleng makakuha ng impormasyon para mapalakas pa ang kampanya ng gobyerno laban sa mga local and foreign terrorists.

Samantala, habang nagsasagawa naman ng “panelling” ang mga tropa ng 13th Special Forces Company sa pamumuno ni 1Lt. Filmar Luzon para bigyang seguridad ang mga tauhan ng DPWH na nagsasagawa ng road concreting sa Barangay Kabbon Takkas, Patikul ay namataan ang isang unexploded 60mm mortar round sa Sitio Nanka.

Agad namang rumisponde ang EOD team mula sa JTF-Sulu.

Ang road concreting sa Barangay Kabbon Takkas ay paghahanda para sa Balik Barangay Program na naglalayon para bumalik sa kanilang lugar ang mga internally displaced people sa dating war-torned areas na kanilang inabandona.

“Our troops are currently pursuing these terrorists. We have the manpower, we have the war assets, and we have the people of Sulu rallying behind us. They give tip-offs and they forbid ASG presence in their communities. The Tausugs are very confident and they are not afraid as they themselves are volunteering to confront terrorists,” pahayag pa ni M/Gen William Gonzales, commander of JTF Sulu.