Samut-saring mga war materials ang narekober ng militar matapos makasagupa ang nasa 15 miyembro ng teroristang Abu Sayyaf sa Barangay Langhu, Patikul,Sulu kaninang ala-10:00 ng umaga.
Ayon kay 11th Infantry Division at Joint Task Force Sulu Commander Maj.Gen. William Gonzales nagsasagawa ng combat patrols ang mga sundalo sa pamumuno ni Capt. Ramer Cababaan ng kanilang makasagupa ang mga followers ni ASG Leader Radulan Sahiron.
Umigting ang 15 minutong labanan, pero dahil sa malakas ang volume of fire ng mga sundalo umatras ang mga kalaban.
Walang naiulat na casualties sa panig ng militar pero pinaniniwalaang nagtamo ng casualties sa hanay ng teroristang Abu Sayyaf.
Narekober ng mga sundalo ang ilang mga war materials ng teroristang grupo gaya ng mga armas, bala at mga personal na kagamitan.
Sinabi ni Gonzales, nagpapatuloy ang manhunt operations laban sa mga nasabing local terrorists group.