-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagkasagupa ang Philippine Army at Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Sitio Nilwan, Barangay Siya, Tapaz, Capiz.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Captain Kim Apitong, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na nagtagal ng 10 minuto ang engwkentro.
Wala namang nasugatan sa tropa ng gobyerno ngunit may nakitang patak ng mga dugo o ‘heavy bloodstains’ sa kuta ng mga rebelde.
Narekober naman sa encounter site ang ilang anti-personnel mine, hand grenade, at mga sangkap sa pampasabog.