Pinangunahan ng Joint Task Force Tawi-Tawi sa pakikipagtulungan ng local government ng Bongao ang kauna-unahang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) training na nag-umpisa noong Lunes, September 13,2021.
Ayon kay JTF Tawi-Tawi at 2nd Marine Brigade commander, Col. Romeo Racadio, ang nasabing inisyatibo ay isang concerted effort ng MBLT 12 at ng mga barangay officials ng Bongao.
Nasa 180 Barangay Peacekeeping Action team (BPAT) volunteers ang sasailalim sa training at siyang magiging bahagi ng BPAT Class 01-2022 at Barangay Action Care for Tawi-Tawians ( Barangay ACT).
Sinabi ni Racadio, layon ng nasabing training para maging maayos at malinis ang Bongao ng sa gayon magtuloy-tuloy na ang kaunlaran at pagbabago.
Malaking tulong ang mga BPATs na siyang nagsisilbing force multipliers.
Umaasa si Racadio na susunod din ang iba pang mga munisipyo sa probinsiya lalo at nais nilang palakasin ang community-based territorial defense system laban sa kriminalidad at terorismo.