-- Advertisements --

Naka-alerto ngayon ang Northern Luzon Command sa presensya ng mga komunitang New Peoples Army (NPA) sa rehiyon.


Sa ulat na inilabas ngayong umaga, nagkasagupa ang tropa ng Joint Task Force Tala at Communist Terrorists Group ng Komitemg Probinsya Cagayan sa Sitio, Salong, Brgy Tanglagan, Gattaran Cagayan kahapon.

Ayon kay Brig. Gen. Andrew Costello, Acting Commander ng Northern Luzon Command, tumagal ng limang minuto ang bakbakan bago tuluyang tumakas ang mga kalaban.

” NOLCOM forces will be relentless in conducting Focused Military Operations (FMO) on selected and identified lairs of the Communist Terrorist Groups to disable them from pursuing their terroristic objectives that hinders peace, security, and development of the community,” pahayag ni Brig. Gen. Costelo.

Narekober ng JTF Tala sa encounter site ang tatlong rifle.

Walang naiulat na nasugatan sa panig ng gobyerno habang hindi naman madetermina kung may nasawi sa panig ng mga kalaban.

Samantala, sinabi naman ni Brig. Gen. Steve Crespillo, Commander ng 501st Infantry Brigade na nagpakalat sila ng dagdag na pwersa para habulin ang mga nakatakas na terorista at para pigilan ang mga tangka nito ng pangugulo.