CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan sa engkwentro ng militar at New Peoples Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay 39th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer Lt/Colonel Rhojun Rosales na nakatanggap sila ng impormasyon sa presensya ng mga NPA sa Sitio Bagong Silang Brgy Upper Bala Magsaysay Davao Del Sur at hangganan ng Makilala North Cotabato.
Nagpatrolya agad ang isang scout platoon ng 39th IB at nakasagupa nito ang mga NPA sa ilalim ng pamumuno ni Eusenio Cranzo alyas Kumander Butsoy.
Dahil sa takot na maipit sa engkwentro lumikas ang 63 pamilya o 400 indibidwal na mga sibilyan patungo sa ligtas na lugar.
Tumagal ng isang oras ang palitan ng bala sa magkabilang panig gamit ang mga matataas na uri ng armas.
Umatras naman ang mga NPA sa bulubunduking parte sa hangganan ng Davao Del Sur at North Cotabato nang matunugan nito ang karagdagang pwersa ng militar.
Walang nasugatan sa tropa ng 39th IB habang hindi matiyak sa mga NPA sa ilalim ng Guerilla Front Committee 53.
Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng militar ang mga NPA sa bayan ng Magsaysay Dvo Del Sur at Makilala Cotabato.