-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagkasagupa ang tropa ng gobyerno at teroristang New People’s Army (NPA) sa Brgy. Taganghin, Tapaz, Capiz.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Capt. Kim Apitong, Spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na nakatanggap sila ng report na may presensya ng rebelde sa lugar kung kaya’t agad silang nagsagawa ng combat operation.

Ayon kay Apitong, tinatayang 10 myembro ng NPA ang nakasagupa ng militar.

Posible rin anya na may casualty o sugatan sa panig ng mga rebelde matapos makita ang patak ng dugo sa withdrawal route ng mga rebelde.

Narekober naman ng militar ang mga bala at personal na gamit ng mga terorista sa encounter site.