-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kumpyansa ang pinagsanib na pwersa ng militar at pulis sa Negros Oriental na may direksyon ang kanilang operasyon matapos unti-unti nang nabubuo ang “puzzle” upang makilala ang nasa likod ng pagpaslang kay late Governor Roel Degamo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Major Cenon Pancito III, spokesperson ng Joint Task Force-Negros, sinabi nito na hindi lang isa kundi marami ang “support system” at “tentacles of violence” sa Negros.

Sa pagpaslang naman kay Degamo at sa walong iba pang mga sibilyan, inilarawan ni Pancito ang sitwasyon na mayroong “layering” o inilatag ng suspek ang plano na hindi siya agad na matukoy ng mga otoridad sakaling maisagawa ang krimen.

Hindi naman isinasantabi ni Pancito ang anggulong politika, negosyo o anumang away na siyang posibleng dahilan sa pag-assassinate kay Degamo.