CENTRAL MINDANAO-Nasa heightened alert ngayon ang militar at pulisya sa posibling paghihiganti ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bahagi ng South-Central Mindanao.
Kasunod ito ng pagkasawi ni Abdulkarim Lumbatan Hasim alyas Commander Jacket at kanang kamay nito na si Makmud Lumbatan,mga myembro ng BIFF-Karialan Faction.
Matatandaan na namataan ang mga terorista sa bus terminal sa Purok Yellow Bell Barangay New Isabela Tacurong City.
Agad nagsagawa ng Law Enforcement Operation ang pinagsanib na pwersa ng Tacurong City Police Station, PIU Sultan Kudarat Provincial Police Office at 1st Mechanized Brigade ng Philippine Army, Task Force Talakudong, PRO-BAR, at Maguindanao PNP.
Ngunit na sitahin ang mga terorista ay nanlaban ito kaya gumanti agad ang mga otoridad.
Agad na nasawi ang magpinsan ng magtamo sila nang maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Narekober sa posisyon ni Kumander Boy Jacket ang isang kalibre .45 na pistola, mga magasin, mga bala, dalawang cellphone at isang motorsiklo na kanilang sinakyan.
Matatandaan na si Kumander Boy Jacket ang utak ng pananambang na ikinamatay ni Ampatuan Maguindanao Del Sur Chief of Police, Lieutenant Reynaldo Samson at kasamahan nitong si Corporal Salipudin Endab noong Agosto 29, 2022.
Si Hasim ay isa ring tagapagtanggol ng mga indibidwal o grupong sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.
Pag-atake sa mga Cafgu/Army detachment sa Maguindanao Del Sur.
Sa ngayon ay pinaigting pa ng Joint Task Force Central katuwang ang pulisya ang pagbabantay sa posibiling target salakayin ng mga terorista.